Windows Desktop


"Paraan kung paano gumamit ng Windows Desktop"

Bago tayo tumungo kung paano gamitin ang Windows Desktop, may ilan lamang akong katanungan. Una, ano nga ba ang Windows Desktop? Pangalawa, paano nga ba ito gamitin? At panghuli, bakit mahalagang matutunan kung paano gamitin ang Windows Desktop?

Ang desktop ay ginagamit upang ilarawan ang isang desktop computer o system unit. Kapag tumutukoy sa isang operating system o GUI (graphical user interface), ang desktop ay isang sistema na kung saan ay makakakita ka ng mga icon sa screen. Una din ipinakilala ang desktop ng Microsoft Windows sa Microsoft Windows 95 at ang bawat bersyon nito at ay mayroon ganito. 




Unang Hakbang:

   Ang Windows start menu, dito mo makikita at maa-access ang lahat ng mga programa at mga settings. Pindutin ang Windows icon na nasa iyong kaliwang bahagi ng work screen. Ganito ang magiging hitsura nito.

Windows 7 Start Menu


   Makikita mo sa kaliwang bahagi ang listahan ng mga ginamit mong programa kamakailan at patuloy itong magbabago habang iyong ginagamit ang iyong computer. Makikita mo naman sa iyong kanang bahagi ang standard menu kabilang na ang control panel, device at printer manager at tulong. 
Sa ibaba naman ng iyong kaliwang bahagi makikita mo ang search bar. Dito maari mong i-type ang pangalan ng file, pangalan ng folder, programa o extension at hanapin ang lokasyong sa computer.




Ikalawang Hakbang:

   Sa ibabang bahagi naman sa gawing kanan ng start menu options ay ang shut down button. Upang iyong masiguro na naka-shut down ang iyong computer kailangan mo itong pindutin. Pero kung gusto mo pa ng maraming pagpipilian pindutin mo lamang ang arrow at makikita mo na ito. Ang unang pagpipilian ay ang switch users.
Windows 7 Shut Down Menu


   Mapapanatili nitong nakabukas ang computer at maaari ka niyang ibalik sa sign in window upang makapag log-in pa sa ibang account. Ang log off naman ay ginagamit upang isarado lahat ng programs at ibalik ka sa sign in menu. Ang lock naman ang syang nagsisilbing proteksyon upang hindi magamit ng iba ang iyong computer. Ang restart naman ang nag papatay ng computer pansamantala upang ito'y iyong ma-reboot at mag log-in sa menu. Samantalang ang sleep naman ang siyang nagpapanatling gumagana lahat ng programs kahit na ito ay nakapatay.




Ikatlong Hakbang:

    Sa Windows Desktop 7, maaari mong ayusin ang mga icons sa electronic desktop tulad ng maaari mong ayusin ang mga tunay na bagay sa isang tunay na desktop - ilipat ang mga ito sa paligid, paglalagay ng isa sa tuktok ng isa pa, pag-reshuffle at iba pa. Maraming mga gumagamit ang naglalagay ng mga file at mga shortcut sa mga program sa kanilang desktop upang madaling makita ang mga ito. 

Windows 7 Desktop Menu


  Sa pamamagitan ng pag-click sa kanang bahagi sa kahit saan sa tuktok ng desktop maaari mong ma-access ang features menu. Ito ay nagbibigay-daan sa iyo upang ilipat, baguhin ang view, at ayusin ang mga icon sa iyong desktop. Magiging open windows ito para makagawa ka ng mga pagbabago sa hitsura ng iyong desktop.


Ikaapat na Hakbang:

  Ilagay ang iyong mouse sa View. Magbibigay ito ng isa pang menu na maaari mong gamitin upang baguhin ang laki ng iyong mga icon sa pamamagitan ng pagpili, Large Icons, Medium Icons, o ang Small Icons. Maaari mo ring awtomatikong isagawa ang iyong mga icon gamit ang Auto Arrange. Magagamit mo ito para mabilis mong maiayos lahat ng icons sa iyong desktop. I-align ang mga icon sa grid ay panatilihin ang lahat ng mga icon sa isang linya upang hindi ito magulong tignan.

Windows 7 View


   Ang Sort by option maari mong ayusin ang iyong mga icon sa pamamagitan ng pangalan, sukat, uri ng item, o pinalitan ng petsa. Ang name option ang siyang mag-aayos ng icon ayon sa pagkakasunod-sunod ng letra. Ang sukat naman ang siyang bahala kung anong sukat ng isang file. Ang item type naman ang siyang maggu-grupo sa excel icons, pdf files, folders at iba pa. Ang date modified naman syang mag aayos kung kailang petsa sya nailagay sa iyong desktop.

Windows 7 Sort By Menu on Desktop


   Ang Refresh option naman sa menu ang siyang ginagamit upang i-refresh ang iyong gadgets sa desktop kasama na ang mga icons na dapat mabago. Samantalang, ang Past at Paste options naman ang siyang ginagamit upang mabilis mong makopya ang mga bagay na gusto mong ilagay sa iyong desktop. At ang panghuli, ay ang Undo Copy ginagmit ito upang i-undo lahat ng mga ginagamit na kopya ng file sa desktop.


Ikalimang Hakbang:

   Kapag pinili mo ang Folder may panibagong folder ang malalagay sa iyong desktop na pwede mong baguhin ang pangalan. Ang Shortcut option naman ang magbubukas ng bagong window upang ika'y makapag-browse ng file kung gusto mong gumawa pa nang panibagong shortcut. Sa sandaling pinili mo ang file at pinindot ang OK ikaw ay babalik sa desktop kasama ang iyong ginawang shortcut.
Windows 7 New Menu on Desktop



Ika-anim na Hakbang:



Windows 7 Personalization



Windows 7 Desktop Background


Ang Personalize Window ay kung saan maaari mong baguhin ang hitsura at pakiramdam ng iyong desktop. 
Kapag binuksan mo ang personalization window, ito ay magiging default sa seksyon ng mga tema. Ito ay isang grupo ng mga seleksyon na maaari mong piliin upang baguhin ang lahat ng bagay na kasama sa hitsura at pakiramdam ng iyong computer. Upang baguhin ang tema i-click lamang ang isa na gusto mo at isara ang window.



Windows 7 Picture Location


   Maaari mong i-click ang drop down na arrow sa tabi ng larawan ng lokasyon at pumili mula sa mga larawan ng mga background ng desktop ng windows, o solid colors, pagkatapos ay mag-scroll sa mga default na item sa seksyon sa ibaba. Mag-click sa isang larawan o kulay na sa tingin mo ay maaaring gusto mo at hahayaan kang i-preview ito sa iyong desktop


Windows 7 Background Picture Position


  Sa ibaba ng picture preview ay isang buton kung gusto mo itong baguhin pumili lamang ng posisyong nais na ilagay sa iyong larawan sa desktop. Pindutin ang down arrow upang ito'y makita. Pindutin ang bawat opsyon iupang makita ang mga epekto na iyong inilagay sa larawan. Pagkatapos mong itong gawin lahat pindutin ang save changes para mai-save lahat ng pagbabago at makabalik sa personalization window.



Ikapitong Hakbang:

    Ang mga update sa Windows 7 ay napakahalaga. Ang mga pag-update ng windows ay tumutulong na panatilihing ligtas ang iyong computer mula sa mga virus at ligtas mula sa mga hacker. Sa tutorial ng pag-update ng Windows 7 sasaklawin namin ang mga tampok ng seguridad sa control panel at dadalhin ka namin sa pamamagitan ng kung paano panatilihing ligtas at secure ang iyong computer.


Windows 7 Update Change Settings


Karaniwan kapag na-set up mo ang iyong computer itinakda mo ito upang awtomatikong i-update. Maaari mong suriin ang iyong mga setting sa pamamagitan ng pagbubukas ng control panel at pag-click sa link sa pag-update ng window sa window na nagbubukas mag-click sa link na Baguhin ang setting sa left navigation bar.

I-click ang OK upang i-save ang anumang mga pagbabago at bumalik sa windows update window.


Windows 7 Update



Ikawalong Hakbang:


   Pindutin ang View Tab. Sa view tab pindutin ang check box kasunod ng display para makita ang buong address bar. At pagkatapos ay pindutin ang Apply para sa lahat ng mga folder. Ipapakita nito ang bawat folder sa address bar na kailangan mong mag-browse sa upang makapunta sa lokasyon ng file na iyong hinahanap.
   Kapag tapos ka na, i-click ang OK upang isara ang window.

Windows 7 Folder Options View



 Ilan lamang yan sa mga madadaling paaran na pu-pwede mong matutunan kung paano gumamit ng Windows Desktop. Mahalagang malaman ninyo kung paano ginagamit ang Windows Desktop dahil makatutulong ito sa inyo lalo na sa mga batang gustong mag-aral at sa mga taong gustong makahanap ng maayos na trabaho. Hindi lamang ito tungkol sa teknolohiya tungkol din ito sa pakikipag komunikasyon natin sa iba pang tao. Huwag nating hayaang mawala ang oportunidad na ito na kung saan ay makakatklas kayo ng panibagong bagay na siyang mag-uunlad sao at sa inyong komunidad.


    Sana ay may natutunan kayo at nadagdagan ang inyong kaalaman na maari ninyong magamit sa panahon ngayon lalo na't moderno at kahanga hanga na ang mga bagay-bagay na naiimbento ngayon. 









Maraming Salamat! Hanggang sa uulitin! :)


Comments